forgotmyog
7 months ago
adulting help from meralco consumers..

guys help lang, saan pwede magpa-check kung may jumper na nakikabit?

ang normal bill namin for 2 people last year is 1.4k.

last month is 1.7k. pero one person lang yun. this month na 2 person na, 1.9k. parang anlaking tinaas naman ng ₱500 from last year.
latest #9
rh
7 months ago
welp. idk about jumpers pero since january nagtaas ng singil si meralco so pwedeng factor din yun
forgotmyog
7 months ago
rhodaaa: oooh. was not aware of that. thanks! hahaha pero mejo sus pa rin. babantayan ko na lang actual kwph na konsumo namin.
Lars ☑️
7 months ago
may rate increases and the heat index might also have contributed. check the consumption chart in front of your bill.
立即下載
tyronthedragon
7 months ago
Long answer ahead:
- We had a one-time discount last Feb 2025 because of Meralco's regulatory reset. Bale every 5 years, nirereview ang rates ng utility or electric coop kung fair para sa consumer at sa case natin, para sa Meralco. Ineexamine ng ERC yung financials, operating efficiency pati paggastos nila ng capital para sa infrastructure. 1/
tyronthedragon
7 months ago
Pwedeng refund o increase ang maging resulta ng regulatory reset. Nagkaroon ng refund kasi from the previous regulatory reset, may mga nakolekta ang Meralco na hindi nagamit. Yung reset nangyayari kada limang taon, roughly.
- Tumaas ang singil ng NGCP ng transmission charges dahil sa mga ancillary services na binili ng NGCP sa mga AS providers. 2/
tyronthedragon
7 months ago
Ang ancillary services ay kuryenteng ginagamit para mag-stabilize ang grid (medyo technical ito) at para maging reliable sya. Bukod sa may kakontrata ang NGCP na mga providers, bumibili rin sya sa Reserve Market (na sobrang taas kumpara sa mga AS Providers.
- Tumaas ang feed-in-tariff allowance (FIT-All). Ito ang pambayad sa mga renewable energy plants 3/
tyronthedragon
7 months ago
kagaya ng solar, wind, hydro at biomass. Pinapasa ito sa ating mga end-consumers (iyacc na lang tayo).

Thank you for listening. Follow and subscribe to my onlyfans charot.
forgotmyog
7 months ago
tyronthedragon: thanks! may handyman akong uncle with electrician, tiningnan na breaker namin. babalik pa daw next time he's free, kasi may mga linya daw na hindi pa nacheck.

mas mataas kasi bill namin vs uncle handyman, kahit mas madami xa ilaw and appliances.

gumagawa na tuloy conspiracy theory si pinsan housemate about our OTHER pinsan neighbor.
tyronthedragon
7 months ago
forgotmyog: Patayin mo main breaker ng bahay (as in patay lahat ng appliances) tapos check mo kung tumatakbo metro/kontador. I think visually chine-check din ni uncle kung may kakaibang wires malapit sa metro, sa bahay nyo papunta sa kapitbahay o sa breaker.

Pero grabe talaga tinaas ng Meralco ngayong March.
back to top