Ginaganahan ako sa trabaho pag napapanood ko sa TV yung mga taong walang trabaho. Hirap na hirap daw sila makakita ng trabaho. Naiisip ko... "Crap. Buti nalang meron ako."
Mas mabait din ako sa boss ko pag nare-realize ko how lucky I am. Or am I just really lucky? Ano bang meron sa mga may OK na trabaho sa mga taong wala?
mikkitot: No, I mean... bakit ba nahihirapan yun iba maghanap ng work? Hindi ko ma-gets. Not trying to be yabang pero hindi ko talaga naranasan yung maghanap at walang mahanap.
Nakakatuwa nga yang sentimentong ganyan, kasi ako on the other hand, walang trabaho, pero imbes na madepress tulad dati, mas content ako at may ganyan din akong pagiisip na "buti pa ko, yung iba..."
eightfoldstar: Yun nga eh. AFAIK kasi ang daming trabaho. Nagpapa-expo pa nga sila kung saan saan. Pero pag napapanood mo yun balita parang over sa drama yung mga iniinterview. Na parang kahit ano kakagatin