Zhyron
3 years ago
Work rant. Mute if not interested.
latest #6
Zhyron
3 years ago
[Work Rant] Kung nakatira ka sa isang kilalang condo unit na may magandang security personnel at may ipapagawa ka, kahit ipapacheck or ipapagawa ang appliance mo or renovation sa unit mo, kailangan mong dumaan sa building admin para sa gumawa ka ng working permit.
Zhyron
3 years ago
Ito ay para sa security ng mga taong nakatira sa building at sa mga gamit ng iba kasama na ang building mismo.
Zhyron
3 years ago
Kung hindi mo ito gagawin at gagawa ka ng paraan para lang hindi dumaan sa proseso ng pag-gawa ng permit, pinapahamak mo ang seguridad ng condo building, ang mga taong gagawa ng pinapagawa mo at kinabubuhay ng mga security personnel lalong lalo na sa mga taong nakatira doon.
立即下載
Zhyron
3 years ago
Ito ang nangyari sa amin. May isang client na ipapalinis ang air con niya, walang ginawang working permit, sarado ang Building admin dahil weekend. Gusto ipasok ng client ang technician sa loob ng pag-bypass sa security. Sinabihan na namin ang client na hindi pwede dahil walang permit. Muntikan na kami makipagaway sa client.
Zhyron
3 years ago
Sa huli, nakalusot ang pagpasok dahil sa pakiusap ng client sa security kahit walang permit. Tapos, irereport daw kami sa head office dahil bastos daw kami makipagusap.
Zhyron
3 years ago
Sa darating na Lunes, makikipagusap kami sa Admin ng building tungkol dito. [/Work Rant]
back to top