Beef shanks. Season with a little bit of soy sauce and lots of ground pepper. Sear para may maillard reactions. Naks ang arte lol. If desired browning is achieved, take it out. Saute lots of chopped garlic, preferred yung isang ulo. Then pour water just enough to submerge your meat.
Add toyo, oyster sauce(optional), brown sugar. Boil it. Then ihagis mo na yung beef shanks, simmer until tender. If desired tenderness is achieved, hanguin ang beef shanks. Shread it using forks or slice it to bite size pieces. Parang yung sa Dongalo nga. Then put it back dun sa broth na pinagkuluan. Now's the time para igahin siya.
Up to you kung gusto mo toasted or yung mejo saucy pa. Another tip, huwag maging generous sa toyo ha, kasi aalat yan pag iniga. So dahan dahan sa seasoning and adjust as you go. Mabuti na yung pakonti konti kesa sumobr sa alat or tamis. Samahan mo na rin ng garlic fried rice(with bone marrow kung meron) at fried egg.
Another thing, hindi kailangang super shredded siya ha. Mas gusto ko yung may chunks na nakakagat. Pero pwede mo rin siya gawing shredded talaga. Tapa flakes na ang labas non.
You can also do this with any cuts of beef. Kahit yung mga mechado cut na mas mura, pwede rin yon.