Hindi mo dapat maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
May naging classmate akong babae dati na pinangalanang "beastfighter". Isipin mo na lang kung anong itsura n'ya.
eto[recess] ang pagkakataon para lagyan ng bata ang tiyan n'ya ng mga pagkaing mayaman sa asukal, vetsin, mantika, extenders... at cholera.
Madaling isipin kung ano ang gamit ng pera, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ito ang maging sukatan ng tagumpay ng tao.
hindi nga naman lahat kami e Catholic sa lahat ng oras. Marami ang pwedeng maging Baptist, Buddhist, o Atheist kung kinakailangan.
Naniniwala ka bang bilog ang mundo at hindi patag? Sigurado ka? Sempre parehong "oo" ang sagot diyan. Siguradong-sigurado.
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
Ang lungkot!!! 'Yun na ata ang pinakamalungkot na 60 seconds sa buhay ko. Wala akong kamag-anak o kaibigan man lang.
Hindi rin mawawala ang mga biruang "Bagay kayo ni ________" Kung saan ipa-partner ka sa pinakapangit sa section n'yo.
Ang library para laging tahimik at malinis, hindi ipinapagamit. Wala ata kaming librarian noon.